Buhay: isang maikling pagtatanong

 

The Thinker by French sculptor Auguste RodinKung magkaminsan ay bigla na lang dumarating sa ating buhay ang pinapangarap lang natin ng hindi natin ito inaasahan.  Kung magkaminsan naman ay kabiguan lang ang kinahihinatnan ng ating pagsisikap at paghihintay sa mithiin sa buhay.

May mga tao na nasa kanila na yatang lahat ang biyaya ng buhay.  Marami naman ang nakakamatayan na lang ang hirap at dusa sa buhay.

May mga pangyayari na sa biglang malas ay mahirap mangyari, subalit nangyayari naman.  Mayroon namang dapat sana ay umiral, hindi naman magkaroon ng kaganapan.

Bakit kadalasan ay higit na matimbang ang kabiguan at hirap sa buhay kaysa sa tagumpay at ginhawa?  Ang buhay ba ay itinatakda ng tadhana, o bunga lamang ng pabago-bagong pagkakataon?  May mga nagsasabi naman na ang bawat pangyayari sa buhay ay may kaakibat na kadahilanan.

Wala sa akin ang lahat ng kasagutan.  Kahit na ang isang matandang kagaya ko ay hindi pa nasasaid ang buhay.  Matandang hangal lang magsasabi na wala ng natitirang misteryo sa kaniya ang buhay sa kalitohan niya.

Ang buhay ay isang malaking palaisipan at tungkulin natin sa ating mga sarili na tuklasin ang hiwaga at kahulugan nito.

Inilathala noong Mayo 21, 2014
Lungsod ng Pasig, PILIPINAS
 
 
Advertisements